Recent Posts

Breaking News

Balik-aksyon sa PBA, natatanaw na

Nabuhayan si PBA commissioner Willie Marcial matapos na manatili ang Metro Manila sa general community quarantine.

Ito’y dahil senyales umano ito na pwede nang manumbalik sa ensayo ang mga manlalaro ng liga sa oras na makapag-swab test na ang mga ito.

“As soon as the teams take the swab tests and get the results, it’s a go,” saad ni Marcial.

Nitong Biyernes ay inanunsyo ng Pangulo ang GCQ sa NCR, kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Zamboanga City at ilang bayan sa Cebu Province.

“Kay Presidente na galing na malapit na ang vaccine, so lalong lumilinaw ang pag-asa ng PBA na makabalik,” aniya pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balik-aksyon-sa-pba-natatanaw-na/)

Walang komento