Recent Posts

Breaking News

Baka ‘fatten the curve’! Sotto bumwelta kay Duque

Muling pinatamaan si Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes matapos sabihing matagumpay ang Pilipinas sa pag-flat ng curve ng COVID-19 infection mula pa noong Abril.

Saad ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, baka ibang curve ang ibig sabihin ni Duque dahil patuloy pa rin naman ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.

“Baka fatten the curve ang ibig nyang sabihin. Daming tumaba,” ayon kay Sotto nang hingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Duque.

Samantala, binawi naman ni Duque ang kanyang pahayag, at sinabing nalito lamang siya sa ginamit na termino.

“Paumanhin po sa confusion na resulta ng aking earlier statement, nalito lang po ako sa tanong. Iyong longer case doubling time which is eight days, ibig sabihin po nito, nailiko na, nasimulan na nating nailiko o naikurba na natin ang epidemic curve nung imposition ng ECQ noong March,” wika ni Duque.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/baka-fatten-the-curve-sotto-bumwelta-kay-duque/)

Walang komento