Recent Posts

Breaking News

Bahay ni triathlete Remolino natupok

NAABO sa sunog at halos walang natira sa bahay ni 2019 Southeast Asian Games triathlon silver medalist Andrew Kim Remolino sa Talisay, Cebu Linggo ng hapon, Hulyo 12, 2020.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya walang nasagip na kagamitan ang pamilya ni Remolina.

Nagpapasalamat na lamang ang pamilya ng No. 1 triathlete sa bansa na maayos na nakaligtas ang kanyang pamilya.

Tanging nahalukay ni Kim ang kanyang napanalunang medalyang pilak sa pagsasaayos sa kanilang bahay matapos maapula ang apoy.

Lahat ng mga medalya ni Kim sapul na magwagi sa mga kompetisyon ay nalusaw maliban na lamang sa isa na napanalunan nito nakaraang taon na 2019 SEA Games.

Humihingi na lamang ng tulong ang kinilala na 2018 Best Male Youth Triathlete of the Year na si Remolino lalo na na sa sitwasyon ngayon na nasa pandemya ang bansa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bahay-ni-triathlete-remolino-natupok/)

Walang komento