Recent Posts

Breaking News

Bagong sakit ng baboy paghandaan na

Kailangang paghandaan na ng pamahalaan ang bago na namang strain ng swine flu na natuklasan sa China at may posibilidad na maging pandemya.

Ito ang panawagan ACT-CIS party-list Rep. NiƱa Taduran kung saan iminungkahi nito na bawasan muna ang importasyon ng karne ng baboy mula sa China at magpatupad ng mahigpit na quality control sa mga karneng pinapapasok sa bansa.

Nabatid na ang bagong G4 strain ng H1N1 swine flu ay nakaapekto na sa 10% ng mga manggagawa sa China na nag-aalaga o nagkakatay ng may sakit na baboy.

“We have 94% self-sufficiency in pork meat. We don’t need to import more than we need. We must protect, not only the health of our people and the pigs but also the livelihood of our hog raisers by controlling importation,” ayon kay Taduran.

Nanawagan din ito sa mga awtoridad na bantayan ang mga babuyan sa bansa upang matiyak na hindi pa nakaaapekto sa mga ito ang bagong swine flu.
“We can not afford another pandemic, so immediate action should be done to avoid a new health problem. The government should protect our people and our livelihood,” dagdag ni Taduran.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bagong-sakit-ng-baboy-paghandaan-na/)

Walang komento