Recent Posts

Breaking News

Bagong kasal nag-photoshoot sa beach, tinangay ng alon

Nilamon ng dambuhalang alon ang isang bagong kasal na couple na namataang nagpi-picture sa isang mabatong parte ng Laguna Beach.

Sa video ni Ionel Coroama, makikitang natangay sa Pacific Ocean ang naturang bride at groom sa California, US. Huminto si Coroama sa pagbi-video para humanap ng tutulong sa dalawa.

Dumating ang mga lifeguard, binigyan ng salbabida ang groom at ang bride na nadala ng agos ay pinagtulungan na madala sa baybayin.

Ligtas ang bagong kasal at walang natamong pinsala, wika ni Laguna Beach Marine Safety Captain Kai Bond sa ABC News.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bagong-kasal-nag-photoshoot-sa-beach-tinangay-ng-alon/)

Walang komento