Recent Posts

Breaking News

Ayonayon buwenas sa San Juan

Itinuturing ni Mike Ayonayon na jackpot siya sa kinalakihang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na San Juan Knights.

“Para sa akin, suwerte kong napunta ako sa San Juan lalo na under ka kay Sen. Jinggoy [Estrada],” kwento ni Ayonayon, 27, sa CPT Crossover Podcast. ‘Di lang sa aniya sa koponan kundi maging sa players ay elibs din siya.

“Di ba dati pa sa San Juan Knights, parang mataas na ‘yung kalidad ng player na galing doon?”

Si Ayonayon ay nasa batch ng Knights na kumubra ng 2019 MPBL Datu Cup title. Naging malaking parte rin ng kanyang paglalakbay ang pagsama kina ex-pros Mark Cardona at John Wilson doon.

Sa ngayon ay lulundag na ng liga si Mike matapos tapikin sa 2019 PBA Rookie Draft ng NLEX Road Warriors.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayonayon-buwenas-sa-san-juan/)

Walang komento