Recent Posts

Breaking News

Ayaw magsilbi kay Duterte: ABS-CBN writer 3 beses nag-resign sa KWF

“Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng Estado.”

Bahagi ito ng July 11 resignation letter ni Jerry Gracio para kay Presidente Rodrigo Duterte, na sinapubliko niya ngayong Lunes.

Sabi ni Gracio, na siyang Komisyoner para sa mga Wika ng Samar-Leyte sa Komisyon sa Wikang Filipino, “napipilitan na lamang akong gampanan ang tungkulin dahil wala kayong (Duterte) itinatalagang kapalit ko.”

“Kay aananuhon pa man an mga yakan, an mga pulong kun patay na ang mga tawo?– Ano ang silbi ng wika kung patay na ang mga tao?,” dagdag niya.

Una siyang nagbitiw sa tungkulin noong maluklok si Duterte sa puwesto, at noong Enero 10, 2020.

Tinalaga sa puwesto si Gracio, isang senior writer sa ABS-CBN, noong 2013.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ayaw-magsilbi-kay-duterte-abs-cbn-writer-3-beses-nag-resign-sa-kwf/)

Walang komento