Recent Posts

Breaking News

Australia kinampihan US: Pag-angkin ng China sa South China Sea, iligal!

Sinuportahan ng Australia ang Amerika sa pagsasabing walang legal na basehan ang South China Sea claims ng China.

“Australia rejects China’s claim to ‘historic rights’ or ‘maritime rights and interests’ as established in the ‘long course of historical practice’ in the South China Sea,” sabi sa pahayag ng Australia sa ulat ng Al Jazeera.

“There is no legal basis for China to draw straight baselines connecting the outermost points of maritime features or ‘island groups’ in the South China Sea, including around the ‘Four Sha’ or ‘continental’ or ‘outlying’ archipelagos,” dagdag nito.

Kasunod ito ng deklarasyon ni US Secretary of State Mike Pompeo na iligal ang pag-angkin ng China sa buong South China Sea.

Maliban sa China, kabilang sa nagki-claim sa South China Sea ang Malaysia, Vietnam at Pilipinas.

Taong 2016 nang paboran ang Pilipinas ng international tribunal sa The Hague sa maritime dispute sa China.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/australia-kinampihan-us-pag-angkin-ng-china-sa-south-china-sea-iligal/)

Walang komento