Recent Posts

Breaking News

Ate Vi masama loob: Gamitin ang puso `wag puro utak!

Naglabas ng sama ng loob si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa nangyaring pagbasura ng House committee on legislative franchises sa aplikasyon ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa.

Pinasaringan ng mambabatas ang mga kasamahang bomoto pabor sa pagbasura sa ABS-CBN franchise renewal matapos sabihing hindi ngayon ang panahon para maging walang puso o manhid habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

“`Wag niyo isara yong mga mata niyo. Gamitin niyo rinyong mga puso niyo, wag puro utak, gamitin niyo rinyong mga puso niyo. Kailangan at this point in time, nagtutulungan tayo para makapagbigay ng isang malaking solusyon para sa mga problemang dumadating sa bansa natin.

This is not the time to be heartless,” ayon kay Santos-Recto.

Kabilang si Santos-Recto sa 11 kongresista na bomoto pabor sa pagkakaloob ng panibagong prangkisa sa Kapamilya network.

Giit pa nito, ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa ay hindi ito ang panahon upang higit pang pahirapan ang taongbayan partikular ang mawawalan ng trabaho.

Binigyang-diin pa nito ang tulong na ibinibigay ng ABS-CBN sa milyong Pilipino na nasa malalayong lugar para makakakuha ng mahahalagang impormasyon lalo na sa panahon ng sakuna.

“Ang karaniwan na nagiging biktima niyan, malalapit sa tubig, sa dagat.

Naririnig natin sila, ang tanging source of information nila ay yong signal na meron ang ABS-CBN na kino-consider na talagang pinaka-widest reach kaya nagkakaroon ng balita at nabibigyan ng balitayong mga mahihirap,” dagdag ni Santos-Recto



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ate-vi-masama-loob-gamitin-ang-puso-wag-puro-utak/)

Walang komento