Recent Posts

Breaking News

Aprub sa IATF simula Agosto 1: Dental clinic, gym, internet café

Inanunsyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na pinayagan na ang partial operation ng mga dental clinic, gym, at internet café simula sa Agosto 1 ngayong taon.

Sinabi ni Lopez sa panayam sa radyo nitong Miyerkoles ng umaga na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang partial operation ng mga nabanggit na establisimiyento subalit limitado sa 30% capacity pa lamang muna.

Ayon kay Lopez, kabilang sa puwede nang gawin simula Agosto 1 ay ang foot spa, facial, waxing at spot massage.

Pinayagan na rin ang cosmetic services subalit kailangan aniya sundin ang mga pinatutupad na protocol katulad ng pagsusuot ng personal protective equipment.

Kailangan din sundin ang mga health protocol sa mga internet café at para lamang sa online learning, hindi pa pinapayagan ang paglalaro lang.
Ganundin sa mga gym, sinabi ni Lopez na kailangang may suot na face mask at dapat sundin ang physical distancing.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aprub-sa-iatf-simula-agosto-1-dental-clinic-gym-internet-cafe/)

Walang komento