Recent Posts

Breaking News

Anti-Terrorism Law violator habambuhay makukulong

Maaaring maharap sa habambuhay na pagkabilanggo ang mga tao na mapatutunayang lumabag sa Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nakasaad na ang parusa sa terrorism ay life imprisonment,” ayon kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa panayam sa Laging Handa public briefing, Sabado ng tanghali.

Sinabi ito ng kalihim matapos ipaliwanag kung ano ang mga nilalaman ng bagong batas na inamyendahan ang RA 9372 o Human Security Act of 2007 upang lalo pang palakasin ang kampanya kontra terorismo sa bansa.

Tiniyak naman ni Esperon na magiging maingat ang mga alagad ng batas na magpapatupad sa bagong anti-terrorism law at sinabi pa nito na mayroon ding nakasaad sa mga probisyon nito na parusa laban sa lalabag na mga awtoridad.

“[M]ag-iingat kami, mayroong mga nakalagay na safeguards diyan kasi puwede rin kami makukulong ng 12 years. Hindi puwedeng manghuli lang kami ng manghuli dahil may proseso taong dadaanan dito.

Subalit sa ngayon aniya, hindi pa maipatutupad kaagad ang bagong anti-terrorism law dahil kailangan pa nilang bumuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito na isusumite sa Kongreso.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/anti-terrorism-law-violator-habambuhay-makukulong/)

Walang komento