Recent Posts

Breaking News

Anti-terror law pwedeng mabasura kung maabuso – Sotto

Maaari naman umanong ibasura ng gobyerno ang Anti-Terrorism Act o 2020 kapag nakitaan ito ng pag-abuso.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente III, isa sa mga author ng panukala sa Senado, kasabay ng panawagan sa publiko na bigyan muna na tyansa ang batas na maipatupad.

“Hintayin mo muna kung nakita mong may ginawang masama. Madali lang… Eh ‘di i-repeal. It’s only a law. It’s not in the Constitution,” pahayag ni Sotto sa panayam sa CNN Philippines.

“Kapag nakita nating inabuso and we mistrust the government in implementing or executing this, then repeal the law,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Sotto, ang disinformation sa naturang batas at ang kawalan ng tiwala laban sa gobyerno ang nagpainit sa pagkontra sa anti-terror law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang linggo ang nakakaraan.

“Those who are protesting against the law do not trust the government. It’s as simple as that. We must not mistrust our government,” sabi ng Senate President.

Sabi pa nito, kailangan humabol ng Pilipinas sa ibang bansa para madagdagan ang ngipin ng kanilang anti-terrorism measures.

Kasama aniya ang Pilipinas sa mga bansang nagkakanlong ng mga terorista tulad ng Iran, Iraq, Congo, Syria, Pakistan, at Afghanistan dahil sa mahinang anti-terror law ng bansa nitong nagdaang mga taon.

“We are trying to catch up with the rest of the world, because in the rest of the world, tayo lang ang kasama, Philippines lang in this part of the world ang kasama doon sa top 10 na ang kapitbahay natin don sa as far as coddling terrorists are concerned,” ani Sotto.

“Kasama tayo doon because hindi natin hinaharap yung problema ng terrorism at yung Human Security Act natin after so many years, iisa lang ang conviction.

“At saka yung conviction na ‘yun ay mukhang nakapag-bail pa. So, tingnan muna natin. Let us try not to mistrust our government,” dagdag pa nito.

Nanindigan siya na constitutional ang ilang probisyon ng nasabing batas sa kabila ng ilang petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa naturang batas.

“Very confident” din si Sotto na hindi ibabasura ng Supreme Court ang anti-terror law.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/anti-terror-law-pwedeng-mabasura-kung-maabuso-sotto/)

Walang komento