Recent Posts

Breaking News

Anti-terror law `di maaabuso – Lorenzana

Umapela si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Anti-Terrorism Act of 2020 at huwag palibutan ng mga maling impormasyon ang nasabing batas.

Hinikayat din ni Lorenzana ang publiko na pag-aralang mabuti at unawain ang nasabing batas.

Siniguro rin ng kalihim na ipatutupad ng gobyerno ng maayos at hindi nito aabusuhin ang anti-terrorism law.

“We assure the public that we will strictly implement this law according to its intent and spirit. We will ensure that it is not abused,” ani Lorenzana sa kanyang inilabas na pahayag Linggo ng umaga.

Kinakailangan aniya ang nasabing batas upang mabigyan ng sapat na kapangyarihan ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas para mapigilan at mapuksa ang mga terorista na walang kinikilalang batas sa paghahasik ng terorismo.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 noong Biyernes sa kabila ng pagtutol mula sa iba’t ibang grupo dahil posibleng abusuhin umano ang civil at political rights ng mamamayan gayundin ang Saligang Batas.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/anti-terror-law-di-maaabuso-lorenzana/)

Walang komento