Recent Posts

Breaking News

Anti-Terror Council uunahin listahan ng mga ‘terorista’

Ang unang gagawin ng Anti-Terrorism Council ay bumuo ng listahan ng mga grupo at indibidwal na ituturing na terorista ng gobyerno, matapos pirmahan ang Anti-Terrorism Law.

“The first thing we would do is look at what is in the list of the UN Security Council. We are following what the United Nations and the new UN Office for Counterterrorism have discovered,” wika ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ng opisyal na magpupulong ang ATC para magkaroon ng “common understanding” ng batas at bumuo ng implementation rules nito.

Nakasaad sa batas na awtomatikong ia-adopt ng ATC ang consolidated list ng UN Security Council ng mga tao at organisasyong tinukoy bilang terorista, o nagbibigay-pondo sa terorismo o terrorist group.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/anti-terror-council-uunahin-listahan-ng-mga-terorista/)

Walang komento