Recent Posts

Breaking News

Angel: Sana pwedeng piliin saan pupunta buwis ko

Naulit ang pakiramdam ni Angel Locsin na maiiyak dahil sa shutdown ng bagong Kapamilya Channel, gayundin ang digital TV receiver nito na TV Plus.

Naglabas kasi ang National Telecommunications Commission ng alias cease and desist order laban dito, na agad naman sinunod ng ABS-CBN.

Kwento kahapon ni Angel sa Instagram, “kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky.”

“Eto nanaman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang.”

Matatandaang noong Mayo 5, kung kailan unang tumigil sa pag-ere sa broadcast at radio ang ABS-CBN ay walang-tigil sa pag-iyak si Angel.

“Sana may option na pwede kang mamili kung saan pupunta ang binabayad mong tax. To my ABS family, hang in there,” sey pa ng aktres.

Nilakip niya rin ang larawan ng ELJ Communications Center na siyang corporate headquarters ng ABS-CBN at mga subsidiary nito.

Depensa ni ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, hindi kasama ang Kapamilya Channel sa naunang cease and desist order laban sa broadcast giant dahil ito’y pinapalabas sa AMCARA Channel 43, na aniya’y hindi pagmamay-ari ng network.

Ang nasabing channel aniya ay nasa ilalim ng block-time arrangement kung saan bumili sila ng airtime para maere ang kanilang mga programa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/angel-sana-pwedeng-piliin-saan-pupunta-buwis-ko/)

Walang komento