Recent Posts

Breaking News

Angel ‘di nagbayad sa jeep?

May iba’t ibang kuwento ang mga tao tungkol sa karanasan sa jeep.

Kaya naman marami ang naka-relate sa naging tweet ni Angel Locsin nitong Linggo tungkol sa pagbabayad sa jeep.

“Taas kamay ang mga nakapag 123 na sa jeep! (smiley emoji and raised hand emoji)” sigaw ng aktres.

Tadtad agad ng reply ito mula sa mga netizen.

Ibig sabihin kasi ng nag-123 sa jeep ay maaring sinadyang hindi magbayad ng pamasahe sa jeep o pwede rin naman nakalimutang magbayad.

Napaisip tuloy ang mga netizen kung kabilang ba ang aktres sa nakaranas na hindi magbayad sa jeep, dahil sa kanyang tweet nga ay nakaangat ang kamay nito.

May mga napatanong din kung nangyari na ba ito sa aktres, ngunit hindi pa ito sinasagot ni Angel. Kaya tuloy mas napapaisip sila kung ituturing na nila ang kawalang-tugon ng aktres bilang ‘silence means yes.’



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/angel-di-nagbayad-sa-jeep/)

Walang komento