Recent Posts

Breaking News

Angara sa COVID-19 survivor: Mag-donate ng plasma

Hinikayat ng COVID-19 survivor na si Senador Sonny Angara ang mga pasyenteng gumaling sa coronavirus na mag-donate ng kanilang plasma at makatulong sa ibang pasyente na manalo sa kani-kanilang laban sa sakit.

“Inaanyayahan po natin na tingnan ng survivors o mga nagka-COVID at gustong magbigay ng kanilang dugo at plasma na makakatulong sa mga ibang pasyente,” pahayag ni Angara sa Dobol B sa News TV.

Tiniyak naman nito sa mga magiging donor na magiging pribado ang mga datos na ipaparehistro ng mga ito sa Plasma ng Pag-asa website.

” Private po ang datos doon at sa ospital lang po ibibigay.

May initial testing lang kung puwede silang magbigay ng kanilang dugo dahil ang hinahanap nga ‘yung tinatawag na antibodies o ‘yung quality ng kanilang dugo na nakakapanglaban sa virus,” sambit pa nito.

Ayon kay Angara, naisip niyang magtayo ng website na tinawag nilang “Plasma ng Pag-asa” na magkokonek sa mga doktor at mga ospital para maging kumbinyente ang proseso ng pagdo-donate ng plasma.

“Ang sabi sa akin ng mga doktor hirap silang makahanap ng donors kasi nga may patient privacy eh so hindi nilalabas ang datos at hindi nilalabas ang names in public,” pahayag ni Angara sa panayam Dobol B sa News TV.

Si Angara ay nagpositibo sa COVID-19 nong Marso. Bukod sa kanya, nahawahaan din ng virus sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri and Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.
Matapos gumagaling sa sakit, nag-donate si Angara ng kanyang plasma noong Abril.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/angara-sa-covid-19-survivor-mag-donate-ng-plasma/)

Walang komento