Recent Posts

Breaking News

Alessandra gustong batukan si Angel

Hindi na napigilan ni Alessandra de Rossi na maglabas ng pahayag tungkol kay Angel Locsin.

Pinagmalaki kasi ng nauna ang “napakalaking puso” ng huli.

“Sabi nila, tatakbo ka daw na senador. Nyar, di kailangan,” panimula ni de Rossi.

“Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasayo. Natural yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita,” aniya pa.

Nilakip niya pa ang larawan kung saan makikitang tumutulong si Locsin sa mga nasalanta ng iba’t ibang krisis, kabilang ang Mindanao quake at COVID-19 pandemic.

Nang sabihin ng isang netizen na tunay na kaibigan si Alessandra dahil sa banat nito kay Angel, tugon ng “Through Night and Day” star:

“Gusto ko syang batukan minsan dahil kung san saan nakakarating. Pero di sya mapipigilan. Sya yan. (emojis: pray, smiling face with heart-shaped eyes) Kairita!”

Natawa naman si Angel sa mensahe ng kaibigan, at sinabing “Salamat alex. mahal kita!”

Reply ni Alex, natutuwa siya dahil “tumanggap din ng papuri sa wakas” si Angel.

“Alam ko ayaw mo, pero sorry! May tribute! I cannot help it! Hayaan mo akong ipagmalaki ka,” aniya pa.

Matatandaang umapela si Alessandra na huwag silang gawaan ng gulo ni Angel, matapos niyang sabihin na ayaw niyang sumali sa pro-ABS-CBN rally–kung saan aktibong lumalahok si Locsin–dahil natatakot siya sa coronavirus.

“Nakikiusap ako sa mga gumagawa ng gulo at headline. No!!! Mahal ko yan! Kung may gusto akong sabihin sa kanya, itatawag ko nalang. Bat magpaparinig? Iba sya, iba ako. Iba laban nya, iba din sa akin. Magkakampi si darna at valentina sa totoong buhay. I love you Angel ng lahat,” wika niya pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alessandra-gustong-batukan-si-angel/)

Walang komento