Recent Posts

Breaking News

Alden, Nadine gusto magsama

Bukas sa posibilidad na magkatambal sa pelikula ang dalawang bigating artista sa magkabilang network na sina Nadine Lustre at Alden Richards.

Sinabi nilang dalawa ‘yan sa naganap na press conference kamakailan para sa produktong ini-endorse nila.

Ayon kay Nadine, bibihira lang sila magkasama ni Alden dahil tanging photoshoots lang ang opportunity na nagkakasama sila at pagkatapos non ay wala na silang kahit anong catch up.

Gayundin ang sinabi ni Alden pero naalala raw niya na una niyang nakasama si Nadine noong nag-uumpisa palang sa showbiz career ang aktres dahil nagka-trabaho sila para sa another endorsement noon.

At dahil magaan sa pakiramdam nilang dalawa ang pagsasama sa trabaho, game sila kung magkakaroon man ng future plans na pagtambalin sila sa isang pelikula.

“That would be awesome” excited pa na sagot ni Nadine sa tanong kung open ba sila na magsama sa movie.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alden-nadine-gusto-magsama/)

Walang komento