Recent Posts

Breaking News

ALAMIN: Bakit ‘di dapat suotin ang mask na may valve vs. COVID

Ayon sa Food and Drug Administration, mas ligtas pang gamitin ngayong coronavirus pandemic ang mga cloth mask, kaysa sa mga face mask na may valve.

One-way lang kasi ang proteksiyon ng huli, ayon kay FDA Director-General Eric Domingo.

“Halimbawa, kung ikaw ay may sakit at suot-suot mo [yung may valve], maaring lumabas po ‘yung hininga niyo doon sa valve,” aniya sa panayam sa DZBB.

“Ang gusto natin ang proteksyon ng mask ay two-way. Kung tayo ay walang sakit hindi tayo mahahawa, kung tayo ay may sakit hindi tayo manghahawa,” dagdag pa.

Industrial aniya ang gamit nitong mask na may valve, na “ang talagang intensyon niyan ay hindi makapasok ‘yung alikabok sa ihihinga ng tao”, at hindi medical o surgical.

Kaya naman, ang nirerekomenda ng FDA na gamitin ng madla habang may pandemya ay medical o surgical mask, maging ang cloth mask.

“Sa mga ospital o sa mga naga-alaga ng may sakit, gusto po talaga natin medical or surgical use na mga masks. Pero kung everyday use, kahit naman po mga cloth masks. Mas safe pa po ang mga regular masks na walang valve,” sabi ni Domingo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/alamin-bakit-di-dapat-suotin-ang-mask-na-may-valve-vs-covid/)

Walang komento