Recent Posts

Breaking News

Aktres na naglaho sa lawa natagpuan, patay

Kinumpirma ng mga awtoridad na patay na ang isang aktres, matapos nitong maglaho habang kasama ang 4-anyos na anak sa nirentahang bangka.

Wika ni Ventura County Sheriff William Ayub, sa ulat ng CNN, natagpuang lumulutang ang katawan ni “Glee” actress Naya Rivera sa Lake Piru sa Ventura County, California.

Siya ay edad 33.

Noong nakaraang Miyerkoles, natagpuan ng mga awtoridad na mag-isang natutulog sa bangka sa nasabing lawa ang anak ni Naya na si Josey.

Lunes ng umaga sa US natagpuan ang labi ni Naya, matapos ang anim na araw na paghahanap.

Ito rin ang parehong araw na ginugunita ang seventh anniversary ng pagpanaw ng kanyang “Glee” co-star na si Cory Monteith.

Sabi ni Ayub, walang palatandaan na may foul play o isang suicide ang pagkamatay ng aktres.

Dadalhin ang labi sa Ventura County Coroner’s Office para kilalanin sa pamamagitan ng dental records.

Nakilala si Naya nang gumanap siya bilang Santana Lopez sa musical-comedy-drama show ng Fox na “Glee” mula 2009 hanggang 2015.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/aktres-na-naglaho-sa-lawa-natagpuan-patay/)

Walang komento