Recent Posts

Breaking News

AFP Board nagsumite ng mga pambato na COS

Nakapagsumite na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng listahan ng mga pangalan ng mga kandidato para sa susunod na chief of staff, maging sa chairman ng joint chiefs sa Malacañang.

Sa inilabas na statement nitong Linggo ng AFP, nagpulong at nagsagawa ng deliberasyon ang Board of Generals upang masusing pag-aralan kung sino ang karapat-dapat at may potensyal na papalit sa babakantehing puwesto ni General Felimon Santos Jr. na siyang humahawak ngayon ng nasabing dalawang posisyon.

Si Santos ay naobligang magretiro sa darating na August 4 ngayong taon.

Ang listahan na naglalaman ng 10 pangalan ay isinumite ng ng Board of Generals sa Malacañang sa pamamagitan ng Department of National Defense.

“There were about 10 names contained in the list that includes major service commanders, unified command chiefs, and other 3-star generals at the GHQ (general headquarters),” batay sa statement ng AFP.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/afp-board-nagsumite-ng-mga-pambato-na-cos/)

Walang komento