Recent Posts

Breaking News

92.3% estudyante naka-enroll na

Umabot na sa 22.23 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll sa public at private schools para sa darating na pasukan ng klase sa August 24, lampas sa 80% na nakapag-enroll nang nakaraang school year 2019-2020.

Ayon sa pamunuan ng Department of Education (DepEd), hindi na inalintana ng mga magulang ang nagaganap na pandemya sa bansa na corona virus disease (Covid-19) at mas isinakatuparan ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng inilaang blended learning system.

Base sa datos ng DepEd, nasa 20.84 milyong mag-aral ang nakapag-enroll sa public schools at nasa 92.3% na ito sa nakaraang enrollment habang nasa 1.35 milyon naman ang nag-enroll sa private schools o nasa mababang 31.1% na naging dahilan ay maraming magulang ang naapektuhan ng pandemic at nailipat sa public school ang mga anak.

Nilinaw ng DepEd na sa pamamagitan ng online learning na magaganap ngayong panahon ng pandemic, hinihikayat ang lahat na makiisa at gumawa na ang DepEd ng mga hakbang na makatutulong sa mga kabataan para sa kanilang pag-aaral at para naman sa walang kakayahan na magkaroon ng gadgets ay naglaan na rin sila ng alternatibong mga pamamaraan para maihatid sa mag-aaral ang sapat na pagtuturo.

Samantala, ilang grupo ng mag-aaral at guro ang nag-aalinlangan sa magaganap na pasukan ngayong August 25 na kung saan panukala nila na hindi pa handa ang mga guro sa blended learning.

Naninidigan naman ang DepEd na walang rason para i-delay ang pasukan dahil nakasisiguro na sila sa magaganap na blended learning system.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/92-3-estudyante-naka-enroll-na/)

Walang komento