Recent Posts

Breaking News

9 MMDA personnel kinapitan ng COVID

Nilantad ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia na siyam sa kanilang tauhan ang nagpositibo sa COVID-19.

“Ang huling numero nakuha ko ay nasa nine. Of course, may iba naman na pa-recover na. May iba naman na asymptomatic lang. Meron na-ospital pero full recovery na rin po,” saad ni Garcia sa dzBB.

Aniya, sa ngayon ay limitado ang bilang ng kanilang mga personnel dahil sa nasabing pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Matatandaan na sinuspende ng MMDA ang kanilang trabaho sa July 9 at 10 para makapag-disinfect sa kanilang mga opisina at iba pang pasilidad.

Isasalang naman sa swab test ang mga empleyado na nagpositibo sa rapid test.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/9-mmda-personnel-kinapitan-ng-covid/)

Walang komento