Recent Posts

Breaking News

83rd UAAP maglalagay ng mga super senior

Kahit mga lampas na sa limitadong 25 taon sa papasok na 2021, makakalaro pa rin sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21 ang mga atleta ng anim na sports na nakansela nitong Marso dahil sa COVID-19.

Inaasahang mangunguna sa grupo ng super seniors ang women’s indoor volleyball player na sina Ejiya Laure ng University of Santo Tomas, Pinay-Japanese Risa Sato ng National University, Ma. Lina Isabel Molde at Diana Mae Carlos ng University of the Philippines, at Jhoanna Louisse Maraguinot at Fil-Canadian Katrina Mae Tolentino ng Ateneo de Manila University.

Siniwalat kahapon ni outgoing UAAP president Emmanuel Fernandez na pumayag ang league Board of Trustees sa hakbang dahil hindi aniya nakalaro ang mga palyer ng volleyball, athletics, baseball, football at lawn tennis sa taong itong second semester sports.

Pero hindi nakakasigurado ang liga kung kakagat ang lahat sa nakatakdang aprubahan pa ng pangkalahatan opisyal ang pasya ng BOT. Una’y sa ng buhay ngayon sa panahon ng pendemiya, maaring pumalaot ang mga balibolista sa magandang magpasuweldong Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/83rd-uaap-maglalagay-ng-mga-super-senior/)

Walang komento