Recent Posts

Breaking News

70K ang trabaho! PEZA may job fair online

Ngayong parami nang parami ang natatanggal sa trabaho dahil sa coronavirus pandemic, kinasa ng Philippine Economic Zone Authority ang isang online job fair na mayroong 70,000 bakanteng trabaho.

Bahagi ito ng DOLLAR program ng PEZA na nangangahulugang Development Outreach for Labor, Livelihood, and Advancement of Resources.

Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, kabilang sa mga inaalok na trabaho roon ay call center job na home-based.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang link na ito: https://www.workbank.com/dc/peza-online-job-fair .



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/70k-ang-trabaho-peza-may-job-fair-online/)

Walang komento