Recent Posts

Breaking News

6,080 COVID positive sa Quezon City

Umakyat sa 6,080 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City nitong Linggo.

Sa nasabing bilang, 2,486 naman ang active case o iyong mga nagpapagaling pa sa sakit.

Samantala, sumirit sa 3,203 ang bilang ng gumaling matapos na 42 pasyente ang tuluyang natalo ang coronavirus.

Habang bahagyang tumaas sa 292 ang death toll sa tatlong dagdag sa nasawi.

Sa buong bansa, 80,448 na ang total COVID-19 case, 26,110 ang nakarekober habang 1,932 ang pumanaw sa virus.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6080-covid-positive-sa-quezon-city/)

Walang komento