Recent Posts

Breaking News

54 bangkay ng OFW dumating mula Saudi

Nasa Pilipinas na ang mga labi ng may 54 OFW na galing ng Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), dumating ang 54 bangkay pasado alas-dos ng hapon nitong Martes sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.

Hindi raw nakumpleto ang pag-uuwi sa 71 bangkay ng mga OFW dahil sa kabiguan ng mga cargo forwarder na iproseso lahat ng mga naunang nailista kaya 54 lang ang naibalik sa Pilipinas.

Sa 54 OFW, 20 ay mula sa Al Khobar, sampu sa Jeddah habang 24 sa Riyadh.

Dagdag ng DOLE, 39 OFW ang pumanaw sa COVID-19 habang 15 ang nasawi sa ibang dahilan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/54-bangkay-ng-ofw-dumating-mula-saudi/)

Walang komento