Recent Posts

Breaking News

50K OFW uuwi ngayong Hulyo

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration, inaasahang uuwi sa bansa ngayong buwan ang nasa 50,000 overseas Filipino worker.

Samantala, sabi ni OWWA chief Hans Cacdac, nakauwi na ang nasa 100,000 OFW, na nawalan ng trabaho abroad bunsod ng coronavirus pandemic.

95,000 aniya rito ang nakabalik na sa kani-kanilang probinsya.

Tinantiya aniya ng Department of Labor and Employment na 150,000 OFW ang darating sa Pilipinas sa mga susunod pang buwan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/50k-ofw-uuwi-ngayong-hulyo/)

Walang komento