Recent Posts

Breaking News

50 gramo ng droga sapat para sa death penalty – Gamboa

Para sa hepe ng Philippine National Police, “sapat” nang mahulihan ng 50 gramo, o 10 kutsarita, ng iligal na droga para hatulan ng parusang kamatayan.

Puspusang trabaho at surveillance kasi aniya ang kakailanganin mula sa awtoridad para makumpiska sa suspek ang naturang halaga ng droga.

“You cannot just apprehend somebody ta’s ma-confiscate mo na iyong 50 grams,” wika ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa ANC, Miyerkoles.

“Siguro maglalaro doon: 50 [grams] to 1 kilo—I think that’s enough na dapat i-impose ang death penalty,” aniya pa.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Lunes, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipanumbalik ng mga mambabatas ang death penalty by lethal injection para sa mga krimen na kaugnay sa iligal na droga.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/50-gramo-ng-droga-sapat-para-sa-death-penalty-gamboa/)

Walang komento