Recent Posts

Breaking News

50 gramo ng droga para sa death penalty? ‘Di pwede – Sotto

Kumontra si Senate President Tito Sotto sa pahayag ng Philippine National Police na “sapat” nang mahulihan ng 50 gramo ng iligal na droga para hatulan ng parusang kamatayan.

“Siguro maglalaro doon: 50 [grams] to 1 kilo—I think that’s enough na dapat i-impose ang death penalty,” ang sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa ANC, Miyerkoles.

Pero para kay Sotto, “Hindi naman pwede yun.”

Pinunto ng senador na 200 gramo ng iligal na droga ang kailangan para sa walang piyansang hatol sa mga suspek.

Kung itutulak aniya na death penalty ang ipataw kapag nahulihan ng 50 gramo lang ng droga ay kalimutan na lang ang panukalang batas.

“The present law says 200grms non bailable, paanong naging 50grms lang Death penalty? If they insist, then forget the bill,” tweet pa ni Sotto.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Lunes, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipanumbalik ng mga mambabatas ang death penalty by lethal injection para sa mga krimen na kaugnay sa iligal na droga.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/50-gramo-ng-droga-para-sa-death-penalty-di-pwede-sotto/)

Walang komento