Recent Posts

Breaking News

46 pa sa PNP, nagpositibo sa COVID-19

Umabot na sa 861 ang mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang karagdagang 46 na nagpositibo sa kanilang hanay, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng PNP Health Service Sabado ng gabi, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis ay nagmula sa Police Regional Office (PRO) 7 (Central Visayas), na may 25 kaso; National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 19 na kaso; PRO 3 at PRO 11 na may tig isang kaso.

Aabot naman sa 407 mga pulis na ang gumaling sa nasaBing virus habang 9 pa rin ang nasawi sa hanay ng PNP.

Bukod dito ay mayroon pang minomonitor ang PNP ng 746 na probable cases habang 1,151 naman ang suspected cases.

Samantala hinihintay pa ng PNP ang go signal ng Department of Health (DOH) hinggil sa angkop na lugar para sa proposed testing laboratory na planong itayo sa Central Visayas.

Sa kaslaukuyan ay pinamamadali na ni PNP chief General Archie Gamboa sa PNP Command Group ang pagtatayo ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) laboratory sa Central Visayas.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/46-pa-sa-pnp-nagpositibo-sa-covid-19/)

Walang komento