Recent Posts

Breaking News

45 mambabatas sa US pinababasura ang PH Anti-Terror Law

Nasa 45 Amerikanong mambabatas ang nanawagan sa Pilipinas na ibasura nito ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa virtual press conference Miyerkoles ng gabi (oras sa Manila), sinabi ni US Congresswoman Jan Schakowsky na nagpadala siya at 44 pang mambabatas ng sulat kay Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez para kanselahin ng Pilipinas ang nasabing batas.

“We stand together in calling for the Philippine government to repeal the Anti-Terrorism Act of 2020 that risks further undermining human rights in the Philippines,” aniya.

“I, along with my 45 colleagues sent a letter this morning to the government of the Philippines. We sent it to the ambassador of the Philippines to the United States calling for the immediate repeal of this law,” dagdag niya.

Paliwanag ni Schakowsky, ang naturang batas ay magbibigay ng “bagong armas” sa administrasyong Duterte sa kampanya nitong sugpuin ang mga kontra at magpapalala lang umano sa pag-atake sa mga ordinaryong mamamayan sa Pilipinas.

“This law is overbroad and we believe that it’s already being used to stifle peaceful dissent and targets civil society, including human and labor rights groups in the Philippines,” giit ni Schakowsky.

“We fear it will also be used against anyone who protests against the government whether it be against abuse in the government delay in the distribution of COVID-19 aid or any other grievance because the president (President Rodrigo Duterte) has shown he is intolerant of any and all dissent,” dagdag niya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/45-mambabatas-sa-us-pinababasura-ang-ph-anti-terror-law/)

Walang komento