Recent Posts

Breaking News

35K senior citizen tumanggap ng Vitamin C

Nagsimula na sa distribution ng libreng Vitamin C para sa mga senior citizen ang provincial government ng Eastern Samar.

Ayon kay Governor Ben Evardone, nasa 35,000 senior citizen mula sa 22 na bayan at isang lungsod ang makakatanggap ng buwanang supply ng bitamina.

Layon daw nito na mapalakas ang kalusugan ng mga senior lalo na ngayong pandemic.

Sa kasalukuyan ay walang active case ng COVID-19 ang Eastern Samar matapos makarekober ang tatlong pasyente mula Borongan City at mga bayan ng Mercedes at Guiuan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/35k-senior-citizen-tumanggap-ng-vitamin-c/)

Walang komento