Recent Posts

Breaking News

353 OFW darating galing Jeddah

Isang batch ng mga OFW ang inaasahang lalapag ng Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, ng Philippine Consulate in Jeddah, Saudi Arabia, kabilang sa 353 OFW na darating sa bansa ang dalawang bangkay na hindi namatay sa COVID.

“Ang regular passengers ay 353. May kasamang dalawang patay, non-COVID ang mga ito,” wika ni Badajos sa ulat ng GMA.

Karamihan daw ng umuwing OFW ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/353-ofw-darating-galing-jeddah/)

Walang komento