Recent Posts

Breaking News

349 pasaway sa Day 1 ng Navotas lockdown

Inanunsiyo ni Navotas Mayor Toby Tiangco na sa unang araw ng kanilang 2-linggong mahigpit na anti-coronavirus lockdown, 349 indibidwal ang lumabag sa mga patakaran.

“Sa unang araw ng ating lockdown, 349 na kaagad ang nahuli ng ating mga pulis, barangay at Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa mga ordinansa ukol sa pagsusuot ng face mask na natatakpan ang ilong at bibig, pagsunod sa 1-2 metrong physical distancing o hindi pagkukumpulan, 24-oras na curfew ng mga batang wala pang 18 taong gulang, at iba pang patakaran ng community quarantine,” sambit ng alkalde sa Facebook kagabi.

Sa ilalim ng nilagdaan niyang executive order, ipatutupad ang lockdown sa nasa 250,000 NavoteƱo mula alas-singko ng umaga, Hulyo 16 hanggang alas-11:59 ng gabi, Hulyo 29.

Exempted dito ang mga nagtatrabaho sa essential service. Bawal ding lumabas ang matatanda at mga edad 20 pababa, liban kung may medical emergency.

Ang mga taong pwedeng lumabas ay dapat mapanatili ang 1- hanggang 2-metrong pagitan at magsuot ng face mask kontra COVID-19.

“Ang ating mga batas at patakaran ay ipinapatupad para rin sa ating kabutihan. Gusto nating bumaba nang husto ang bilang ng mga nagpopositibo para unti-unti na maging maayos at maluwag ang ating pamumuhay,” wika ni Tiangco.

“Kung matatandaan ninyo, nagsimula tayo sa isang kaso [ng coronavirus] noong March 28, ngayon ay nasa 1,097 kaso na tayo. Kaya nawa’y iwasan po nating sumuway sa mga patakaran at safety measures para maiwasan na ang hawaan ng virus at matigil na ang pagkalat nito sa ating lungsod,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/349-pasaway-sa-day-1-ng-navotas-lockdown/)

Walang komento