Recent Posts

Breaking News

31 barangay sa Maynila i-lockdown – Isko

Inutos ni Mayor Isko Moreno na isailalim sa 48 oras na hard lockdown ang 31 barangay sa Maynila dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 infection.

Sa nilagdaang Executive Order No. 31 ni Moreno, magsisimula ang hard ockdown alas-12:00 ng hatinggabi ng Hulyo 4, Sabado, at matatapos dakong alas-11:59 ng gabi sa Hulyo 5, Linggo.

Ipatutupad ang hard lockdown makaraang maberipika ng Manila Health Department na ang 31 barangay ay nakapagtala ng mahigit sa tatlong COVID-19 positive mula Hunyo 15 hanggang 29.

Kabilang sa mga lugar na isasailalim sa hard lockdown ay ang mga sumusunod: District 1 – Barangay 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, 129; District 2 – Barangay 163, 173, 180, 185, 215; District 3 – Barangay 275, 310, 343, 380; District 5 – Barangay 649, 724, 766, 775, 811; at District 6 – Barangay 836, 846, at 847.
Ipagbabawal sa mga residente sa mga nasabing barangay ang lumabas ng bahay sa panahon ng hard lockdown.

Ang maaari lamang makalabas sa kanilang tahanan ay mga health worker, military personnel, service worker (pharmacy, drug store, at funeral homes), utility worker(energy, cable, internet, telecommunication company, water, sanitation, at critical transport facility kabilang na ang port operation), mga essential worker (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Suspindido rin ang operasyon ng mga commercial, industrial, retail establishment sa mga nasabing barangay.

Inatasan din ni Moreno ang Manila Police District (MPD) na mag-deploy ng mga tauhan at mga opisyal ng barangay sa mga lugar na naka-lockdown para mabantayan ang mga residente.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/31-barangay-sa-maynila-i-lockdown-isko/)

Walang komento