Recent Posts

Breaking News

3 kolorum na company shuttle service huli sa I-ACT

Hinuli ng mga awtoridad ang tatlong company shuttle service na walang balidong contract of lease habang bumibiyahe sa kahabaan ng Pasong Tamo Extension sa Makati City, Lunes ng umaga.

Base sa ulat ng Department of Transportation (DOTr) na inilabas sa kanilang official Facebook page, sinita ang tatlong kolorum na private van sa Pasong Tamo Extension, Gate 3.

Natuklasan diumano na private unit ang mga nabanggit na sasakyan subalit pinalalabas na company shuttle para sa sakay nitong mga empleyado.

Ayon sa DOTr, ang tatlont van ay walang validong dokumento para mag-operate bilang company shuttle, tulad ng notarized contact of lease.

Dinala sa impounding area ang tatlong private van at itu-turn over sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Inihayag pa ng DOTr na pinaigting ang pagpapatupad ng mga batas trapiko sa Metro Manila matapos itong ilagay sa general community quarantine (GCQ) at kasunod ang pagbabalik ng limitadong biyahe ng mga public utility vehicle.

Nabatid na ang tatlong private van ay sinita ng I-ACT Team Eagle sa pamumuno ni retired Col. Ceferino Decena.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/3-kolorum-na-company-shuttle-service-huli-sa-i-act/)

Walang komento