Recent Posts

Breaking News

22 kaso ng COVID-19 nadagdag sa PNP

Nadagdagan ng 22 kompirmadong may kaso ng coronavirus sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Kaya naman umakyat na sa 902 ang bilang ang mga nakapitan ng COVID-19 sa national police force.

May 414 na police personnel ang naka-recover habang siyam na ang namatay ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa sa naganap na press briefing kaninang umaga.

Sinabi ni Gamboa na ang National Capital Region Police Office ang may pinakamaraming COVID-19 cases, (354) kasunod ang Central Visayas police (Police Regional Office 7) na may 248 cases, 81 naman sa National Support Units habang ang PRO-Calabarzon ay may 69 na kaso.

“Incidentally, PRO7 posted the 830 suspected cases that are awaiting confirmatory testing,” ani Gamboa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/22-kaso-ng-covid-19-nadagdag-sa-pnp/)

Walang komento