Recent Posts

Breaking News

2 PAGASA staff sa NAIA nagka-COVID

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dalawang weather specialist ng PAGASA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-test na positive ng COVID-19.

Dahil dito, isinara ang PAGASA office sa NAIA para sa disinfection.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang mga quarantine official.

Ang dalawang tauhan na nagpositibo ay siyang naglalabas ng weather alert para sa mga ground personnel na nagtatrabaho sa tarmac.

Kaugnay nito, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, na 24 airport employee ang na-test na positibo sa coronavirus pero karamihan sa mga ito ay na-cleared na.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/2-pagasa-staff-sa-naia-nagka-covid/)

Walang komento