Recent Posts

Breaking News

19 preso sa Bilibid dedo sa COVID-19

Pumalo na sa 343 ang kabuuang dami ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na nahawa sa coronavirus disease 2019.

Sa bilang na ito, ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Colonel Gabriel Chaclag ngayong Lunes, 19 na ang pumanaw.

“So far, nama-manage po natin ‘yung mga cases ng COVID-19. As of this day, ang tally po natin ay 343 ang confirmed cases since the start of the pandemic. Out of the 343, 311 po ang recovered patients natin. And the number of deaths ang total po ay 19,” wika ni Chaclag sa panayam sa Dobol B sa News TV.

Una nang kinumpirma ni BuCor chief Gerald Bantag na may mga persons deprived of liberty sa Bilibid na ginupo ng coronavirus.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/19-preso-sa-bilibid-dedo-sa-covid-194/)

Walang komento