Recent Posts

Breaking News

174 positibo sa drive-thru COVID testing – Mayor Isko

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na mula nang simulan noong nakaraang linggo, mahigit sa 1,500 katao na ang nai-test sa libreng drive-thru coronavirus testing sa lungsod.

“As of today, since Wednesday, including both… because last Saturday due to the overwhelming demand, we opened another one in Quirino, we had already tested about 1,576 individuals,” wika ni Moreno sa GMA’s Unang Hirit.

Sa nasabing bilang, 1,048 aniya ang taga-Maynila habang 528 ang mula sa ibang lugar.

Samantala, sa mga na-test, sinabi ng alkalde na “Sa awa ng Diyos, 1,326 ang nagnegatibo at 174 naman ‘yung nagpositibo.”

Bukas ang drive-thru testing center ng Maynila sa Lawton at Quirino Grandstand mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Libre ito para sa lahat.

Rapid test lang ang ginagawa rito at hindi RT-PCR test na tinuturing na gold standard para sa COVID-19 testing.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/174-positibo-sa-drive-thru-covid-testing-mayor-isko3/)

Walang komento