Recent Posts

Breaking News

16K gumaling! Sapul ng COVID higit 56K na

Ngayong Lunes, inulat ng Department of Health ang 2,124 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ibig sabihin, 56,259 na ang kabuuang dami ng mga nahawa sa COVID-19 sa atin.

Nagtala naman ng 162 bagong kaso ng pagpanaw habang 2,009 ang bagong kaso ng paggaling mula sa nasabing sakit.

Kaya naman, meron nang 1,534 yumao at 16,046 naka-recover.

Matapos ang pagkakasundo ng datos mula sa mga lokal na gobyerno, sinabi ng DOH na 51 lang sa mga bagong naitalang patay ang inulat at tinala ngayong buwan.

Samantala, 90 ang inulat at tinala noong Hunyo, 20 noong Mayo, at isa noong Abril.

Ang mga nilabas na numero ng DOH ay tinipon noong Linggo, pero hindi nila sinapubliko sa parehong araw dahil sa “significant volume of data gathered.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/16k-gumaling-sapul-ng-covid-higit-56k-na/)

Walang komento