Recent Posts

Breaking News

165 Manilenyo COVID positive sa rapid test

Umabot sa 165 indibiduwal ang nagpositibo sa COVID-19 matapos isailalim sa rapid test ang mahigit 8,000 katao mula sa ni-lockdown na 31 barangay ng lungsod.

Base sa record ng Manila Health Department (MHD), sa District 1 ay 62 ang nagpositibo; anim sa District 2; 62 sa District 3; 28 sa District 5; at pito sa District 7.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isasailalim pa sa swab test para makumpirma kung talagang mayroon silang COVID-19 at inilagay na sa isolation facility.

Natapos na noong Sabado ng hapon ang lockdown sa 31 barangay sa Maynila.
Sinabi ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Rolando Miranda na naging maayos naman ang ipinatupad na lockdown dahil sumusunod ang mga residente sa health at safety protocol.

Inutos ni Mayor Isko Moreno ang lockdown sa 31 barangay sa Maynila para bigyang daan ang rapid test sa mga residente matapos ang ulat na muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/165-manilenyo-covid-positive-sa-rapid-test/)

Walang komento