Recent Posts

Breaking News

105 pang tauhan ng PNP nagpositibo sa COVID-19

Tumaas sa 1,492 ang bilang ng coronavirus case sa Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 105 bagong infection.

Ayon sa PNP, napako sa siyam ang virus death toll sa kanilang hanay maging ang bilang ng gumaling sa 586.

Hinikayat ng PNP ang mga tauhan nito na nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19 na sumangguni sa Health Service.

Kasalukuyang 65,304 ang COVID-19 case sa Pilipinas kabilang ang 22,067 recoveries at 1,773 namatay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/105-pang-tauhan-ng-pnp-nagpositibo-sa-covid-19/)

Walang komento