Recent Posts

Breaking News

10 tauhan nagpositibo! Gordon, pamilya nag-self quarantine

Nitong Sabado inamin ni Senador Richard Gordon na naka-self quarantine siya, ang kanyang asawa at dalawa nilang kasama sa bahay matapos sampu sa kanyang “immediate staff” ang tamaan ng COVID-19.

Ani Gordon, agad naman daw nag-quarantine ang sampung tauhan niya matapos malaman ang resulta ng kanilang COVID test.

“Upon receipt of the results, they immediately went into quarantine. We have also begun contact tracing procedures in order to identify all those who may have been exposed to these individuals and take appropriate measures moving forward,” pahayag ni Gordon na naka-post sa kanyang Twitter account.

Sila rin daw mag-asawa at dalawang tauhan sa bahay ay sumailalim sa test, at negatibo naman ang resulta nito.

Sa kabila nito, magse-self quarantine sila para masigurong ligtas ang sinumang makakasalamuha nila.

Dagdag ni Gordon, regular na nagsasagawa ang Philippine Red Cross ng RT-PCR testing para sa mga staff at volunteer dahil mga frontliner sila laban sa COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/10-tauhan-nagpositibo-gordon-pamilya-nag-self-quarantine/)

Walang komento