Recent Posts

Breaking News

10 heneral kinikilatis kapalit ni AFP chief Santos

Sampung senior general ang pinagpipilian ngayon na posibleng kapalit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Felimon Santos Jr. na nakatakdang magretiro sa Agosto 4 sa edad na 56-anyos.

Ito ang sinabi ni AFP spokesperson Marine Gen. Edgard Arevalo matapos ang anunsyo ng Board of the Generals at ilabas ang kanilang rekomendasyon sa mga posibleng kapalit ni Santos.

“There were about 10 names contained in the list that includes Major Service commanders, Unified Command chiefs, and other three-star generals at the GHQ (General Headquarters sa Camp Aguinaldo),” saad ni Arevalo s kanyang inilabas na pahayag Linggo ng gabi.

Dagdag pa ni Arevalo na isinumite na ang rekomendasyon sa Malacanang sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) noong unang linggo ng Hulyo.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang paglilibot ni Santos sa ibat-ibang unit ng AFP upang mapataas ang morale ng mga sundalo lalo na ang mga nasa operasyon.

Tapos na siyang bumisita sa Army, Navy at Air Force headquarters para magpakita ng tactical at logistical support gayundin ang education training at doktrina sa command.

Sa tanong ng media kung may posibilidad na palawigin pa ang termino ni Santos bilang AFP chief dahil nasa gitna ang bansa ng laban sa COVID-19 pandemic, sinabi ni Arevalo na nasa pagpapasya na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Santos na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1986 ay ika-53 AFP chief.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/10-heneral-kinikilatis-kapalit-ni-afp-chief-santos/)

Walang komento