Recent Posts

Breaking News

Yamapi may hahandog sa Pinoy fans

Nagtatrabaho nang maigi si Japanese singer-actor Tomohisa Yamashita para sa kanyang regalo sa mga Pinoy fan.

“I’d like to say hello, Philippines—and to my Filipino fans,” wika niya sa Inquirer noong nakaraang linggo.

“I’m working hard to share ‘something’ with you in the near future. So, please stay tuned and stay safe!,” aniya pa.

Si Yamapi ang tanging Asian cast member ng pinakabagong thriller series ng HBO Asia na “The Head.”

Sinabi niyang kinabahan siya noong una, dahil international cast ang mga katrabaho niya, pero nasanay na rin kinalaunan. Natuto rin aniya siyang magsalita ng Spanish dahil sa project.

“I only got a bit nervous at first, but I soon realized that we all shared the same passion, and that was to make a great show, so it didn’t matter if I’m the only Asian cast member of the series. That isn’t important at all. It was a great experience to work with a wonderful team,” sey pa ng 35-anyos na aktor, sa ulat.

Magsisimula ang palabas sa Hunyo 12 sa HBO at HBO Go.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/yamapi-may-hahandog-sa-pinoy-fans/)

Walang komento