Recent Posts

Breaking News

Walang nagawang tama! Mag-resign ka na – Iloilo Mayor Treñas kay Duque

Nanawagan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na kung pupwede ay magbitiw na sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Sa pahayag ni Treñas sa flag-raising ceremony sa kanilang lungsod, sinabi nito na dapat nang bumaba bilang cabinet official si Duque para sa bayan.

Aniya, ang pagpapadala ng 40 na barrio doctor para matugunan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City ay maling hakbang ng DOH.

“As a decision maker, what I can say is that the DOH has not done correct decisions since the start of this pandemic in the Philippines. That is why we are the country with the longest lockdown and yet the (COVID-19) cases continue to go up,” patama ni Treñas.

“I am not putting blame on anyone but there are decision makers. Secretary Francisco Duque is a friend because I have known him since the time of the late President Corazon Aquino.

But I think it is really about time to accept responsibility and voluntarily resign for the sake of the country,” aniya pa.

Matatandaan na nagreklamo ang samahan ng Doctors to the Barrios matapos ipadala ang mga rural doctor mula Western Visayas patungo sa mga pribadong ospital sa Cebu City, na tinuturing na bagong episentro ng COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/walang-nagawang-tama-mag-resign-ka-na-iloilo-mayor-trenas-kay-duque/)

Walang komento