Recent Posts

Breaking News

VP spox sa ‘mga sinungaling’: Lagot kayo sa cyberlibel!

Pinaalala ni Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Bise Presidente Leni Robredo, na hanggang 12 taong pagkakakulong na ang parusa sa kasong cyber libel.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang akusasyon na nagpadala ang kampo ng Bise ng panis na pagkain sa mga COVID-19 healthcare worker sa Diliman Doctors Hospital sa Quezon City.

Batay sa buradong Facebook post ng isang Jacques Phillip, pumunta si Gutierrez sa nasabing ospital para pakiusapan ang mga frontliner na manahimik ukol sa umano’y panis na donasyon.

Nakasaad pa sa Twitter thread naman ng isang Jamie Alonzo: “Barry Gutierrez went to the hospital to give financial aid to frontliners who got food poisoned from the food sent by Leni Robredo.”

Ayon sa tagapagsalita, hindi pa siya pumupunta sa alinmang ospital simula nang ipatupad ang COVID-19 lockdown noong Marso.

“May nagkakalat ng kasinungalingan na nagpunta daw akong ospital, at nagpatahimik ng mga frontliners na may reklamo daw sa OVP.”

“2 bagay lang: 1) Mula nagka-ECQ wala pa akong ospital na pinupuntahan; at 2) 12 years na limit sa cyberlibel, kaya abangan lang nyo mga sinungaling kayo,” dagdag pa ni Gutierrez sa Twitter kagabi.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/vp-spox-sa-mga-sinungaling-lagot-kayo-sa-cyberlibel/)

Walang komento